Sunday, November 19, 2017

LAKBAY SANAYSAY NI SHEPANG LAKWATSERA


 UPSIDE DOWN MUSEUM 

                   

              Naganap ito noong January 21 nang magkaroon ng educational tour ang aming school. Maraming masasaya at magaganda akong naranasan sa lugar na ito kasama ng aking mga kaibigan at mga kaklase. Nang sabihin sa amin ng aming guro na may magaganap na field trip sa aming paaralan, agad-agad kaming nag-ipon dahil sa huling pagkakataon gusto naming na makasama muli at mag enjoy. Masaya kami na majority sa klase ay makakasama. Sa larawan na inyong makikita ay isa lamang sa mga napuntahan namin at masasabi kong sulit, ang Upside Down Museum.




Giant Sneakered Foot




        Napapanood ko lamang dati ang lugar na ito sa telebisyon kaya naman hindi ko pa rin maitatago ang excitement at tuwa nang malaman kong isa ito sa aming mapupuntahan. Unang beses palang ako nakapunta sa lugar na ito kaya naman gusto kong muling bumalik. Pagpasok palang namin sa entrance ay bubungad na agad ang napakaraming tao na tulad namin ay bakas rin sa kanila ang saya. Maraming pwedeng mapuntahan at mapagtambayan. Isang ngiti at pose mo lang ay makakabuo kana agad ng nakakatuwang litrato kasama syempre ng iyong mga kaibigan. Hindi na namin kailangan ng maraming pera para bumili ng souvenir dahil tanging memory card, malinaw na camera, at malikot na imahinasyon lang ay sapat na para magkaroon ng isang memorable at wonderful na souvenirs. Gusto ko muling bumalik rito dahil maraming nakatutuwang stations at places na makikita, may 3D artworks, oversized things, at yung pakiramdam na parang bumabaliktad ang mundo. Sobra akong namangha sa mga nakadisplay roon, na kapag kinuhanan mo ng litrato ay siguradong maeexcite ka sa kalalabasan.

         

                                                                                




    Mababait rin ang mga nagtatrabaho rito dahil sila na mismo ang nag piprisinta na kuhanan kami ng litrato kaya lahat kami ay nakasama at walang naiwan sa picture. Dito ko naranasan ang feeling na makakita at makaranas ng snow, kahit na man made  lang iyon ay ayos lang. Hindi sapat ang ilang oras na pananatili namin roon at parang ayaw pa naming umalis. Kung magkakaroon man muli ng pagkakataon na makapunta  kami sa Upside Down Museum sisiguraduhin kong magdadala na ako ng sarili kong camera.



                
                                                                  LAKBAY SANAYSAY: Lanes of Shepa's Travel Blog



  "May nakita kaming hugis diamond, pag pasok namin, ang asim sa loob kaya picture kami agad bago lumabas. Charot!" 



"Madami kasing kamerang nakatutok nung time nayan, 'di ko alam kung saan ako titingin. Kaya nag electric fan nalang akes." 



"Di ko alam kung anong pwesto gagawin ko dito, akala mo mga dilis na binilad. Hanapin niyo ko!"



"Okay, di lang kita yung legs, pero palda talaga yung hinahawakan nila diyan eh, nag PH care kasi si ateng." 



"Basta pose nalang kayo!"

2 comments:

MALAMAN SA BATAAN!