Isa, dalawa, tatlo! Halina't lakbayin ang unang tatlong pasyalan sa BATAAN na siguradong kakatok sa inyong mga puso, maantig sa ganda at istorya. Isama na ang buong pamilya at maging ang buong tropa!
"It's more fun in Bataan!"
CAMAYA COAST
Ang Camaya coast ay tinagurian na ngayong “little Boracay” dahil sa malapulbos na buhangin at samahan mo pa ng malinaw at kaakit-akit na kulay ng dagat nito. Isa lamang ang camaya coast sa magagandang beach sa Bataan na matatagpuan naman sa bayan ng Mariveles. Perfect ang beach na ito para sa mga gustong mag relax, mamasyal, mag laro, at para sa mga gustong sumubok ng mga exciting activities tulad ng hiking, biking, fishing and scuba diving. Tiyak na sulit ang inyong pamamasyal at hindi mananawa ang inyong mga mata sa magagandang tanawin sa lugar na ito. Ang lawak nito ay nasa mahigit 354 hectares at 200 meters out to the sea. Perfect para sa buong pamilya at barkada!
THE BEAUTIFUL ENTRANCE OF CAMAYA COAST
COURTESY: REID PALAD
For Hotel Accommodation:
The Oriental Bataan
- 3.5-star hotel in Bataan with outdoor pool, pool bar
- Free cooked-to-order breakfast, free WiFi, and free parking
Google Map: From Manila to Camaya Coast
For transportation: Manila Philippines to Camaya Coast
- Ferry : Php 790-Php 1,150
- Bus: Php 980-Php 1,320
- Taxi: Php6,000-Php 7,500
- Drive: Php 700- Php 1,100
For more information just visit: https://www.rome2rio.com/s/Manila/Camaya-Coast
FLAMING SWORD
![]() |
COURTESY: Kiel Yutiga |
Ang Bataan ay sagana sa mga yamang pinagkaloob ng Diyos at hindi lang mga agrikultura mayaman ang Bataan kundi maging sa mga Tourist attractions. Sadyang napa karami na nga ng pwedeng bisitahin sa Bataan at isa na rito ay ang Flaming sword o mas kilala na Espada. May haka-haka din ang mga naka tira dito na sa ilalim ng espada na ito ay may lalaking nakasakay sa kanyang kabayo pero nakalubog ito kaya ang kanyang espada lang ang nakikita. Ngunit ito ay nanatiling haka-haka lamang. Ang espadang ito ay itinayo noong April 08 taong 1967 na sumisimbolo na sila ay tumututol at malalamang maraming Pilipino ang nagtaas ng kanilang mga espada o bolo. Ito ay itinayo bilang trademark sa Bataan sa bayan ng Pilar.

Ang Flaming sword na ito ang siyang sumisimbolo sa katatagan at katapangan sa kabila ng mga pagsubok upang makamit ang hinahangad na demokrasya at kapayapaan ng ating bansa. Perfect ang landmark na ito sa mga mahihilig sa history na pwede nilang i-feature at i-share sa ating mga kababayan. Ika nga nakapamasyal kana natuto kapa.
Travel Information:
FLAMING SWORD is located at the crossing of Pilar in front of Pilar Municipal Hall near in Pablo Roman National High School. It is 126 km away from Manila. You can ride tricycle or jeep from Balanga to reach it.
Google Map of Flaming Sword
for the following questions, just click here: http://www.bataantourism.com/landmarks.php?id=11
Sawa kana ba magtampisaw sa mga beach? Bakit hindi mo subukang alamin ang historical landmark na ito? Have fun! ^^
PAWIKAN CONSERVATION CENTER
Ang Pawikan Conservation Center ay matatagpuan sa Morong,Bataan. Tampok dito ang mahigit 7 species of marine turtles na matatagpuan sa karagatan sa iba't-ibang parte ng mundo. Ito ay naglalayong sagipin at protektahan ang mga pawikan na natatagpuan sa mga baybayin ng Bataan partikular sa bayan ng Bagac at Morong.
![]() |
COURTESY: http://www.ivanlakwatsero.com |
Isa sa mga pinaka exciting na activities rito ay ang pagpapakawala ng mga baby turtles sa kalapit na dagat. Ang isang baby turtle ay nagkakahalaga ng Php 50.00 at ang nakukuhang pondo na ito ay inilalaan at napupunta sa Bantay Pawikan Inc. na makakatulong sa pagpoprotekta sa mga pawikan.
![]() |
PAWIKAN FESTIVAL COURTESY: Abigail Javellana |
Taon-taon rin na nagaganap ang Pawikan Festival at sa Pawikan Conservation Center sa Morong,Bataan. Dinadaluhan ito ng libo-libong bisita at karamiha'y mga estudyante mula sa iba't-ibang probinsiya. Sa nalalapit ng November 25, 2017 ay muling gaganapin ang Pawikan Festival. Wag na magpahuli at magdalawang isip pa na pumunta sapagkat marami kang pwedeng maexperience sa lugar na ito. Nandiyan ang nakamamanghang street dancing,sand sculpture,matikman ang kanilang mga ipinagmamalaking produkto,at ang pinaka masayang masusubukan mo ay ang pagpapakawala ng mga naturang baby turtles pabalik sa tunay nilang tirahan.
![]() |
STREET DANCING PERFORMANCE COURTESY: Abigail Javellana |
![]() |
SAND SCULPTURE COMPETITION COURTESY: Abigail Javellana |
![]() |
THEIR SIGNATURE PRODUCTS: BAGOONG COURTESY: Abigail Javellana |
No comments:
Post a Comment