Tuesday, November 21, 2017

MALAMAN SA BATAAN!


Isa, dalawa, tatlo! Halina't lakbayin ang  unang tatlong pasyalan sa BATAAN na siguradong kakatok sa inyong mga puso, maantig sa ganda at istorya. Isama na ang buong pamilya at maging ang buong tropa! 


"It's more fun in Bataan!"


CAMAYA COAST 


   Ang Camaya coast ay tinagurian na ngayong “little Boracay” dahil sa malapulbos na buhangin at samahan mo pa ng malinaw at kaakit-akit na kulay ng dagat nito. Isa lamang ang camaya coast sa magagandang beach sa Bataan na matatagpuan naman sa bayan ng Mariveles. Perfect ang beach na ito para sa mga gustong mag relax, mamasyal, mag laro, at para sa mga gustong sumubok ng mga exciting activities tulad ng hiking, biking, fishing and scuba diving. Tiyak na sulit ang inyong pamamasyal at hindi mananawa ang inyong mga mata sa magagandang tanawin sa lugar na ito. Ang lawak nito ay nasa mahigit 354 hectares at 200 meters out to the sea. Perfect para sa buong pamilya at barkada!

THE BEAUTIFUL ENTRANCE OF CAMAYA COAST  
COURTESY: REID PALAD



For Hotel Accommodation: 
The Oriental Bataan 
  • 3.5-star hotel in Bataan with outdoor pool, pool bar
  • Free cooked-to-order breakfast, free WiFi, and free parking

For more information, just go to this website: http://bataan.theorientalhotels.com


Google Map: From Manila to Camaya Coast


For transportation: Manila Philippines to Camaya Coast
  • Ferry : Php 790-Php 1,150 
  • Bus: Php 980-Php 1,320
  • Taxi: Php6,000-Php 7,500
  • Drive: Php 700- Php 1,100
For more information just visit: https://www.rome2rio.com/s/Manila/Camaya-Coast







FLAMING SWORD


COURTESY: Kiel Yutiga
Ang Bataan ay sagana sa mga yamang pinagkaloob ng Diyos at hindi lang mga agrikultura mayaman ang Bataan kundi maging sa mga Tourist attractions. Sadyang napa karami na nga ng pwedeng bisitahin sa Bataan at isa na rito ay ang Flaming sword o mas kilala na Espada. May haka-haka din ang mga naka tira dito na sa ilalim ng espada na ito ay may lalaking nakasakay sa kanyang kabayo pero nakalubog ito kaya ang kanyang espada lang ang nakikita. Ngunit ito ay nanatiling haka-haka lamang. Ang espadang ito ay itinayo noong April 08 taong 1967 na sumisimbolo na sila ay tumututol at malalamang maraming Pilipino ang nagtaas ng kanilang mga espada o bolo. Ito ay itinayo bilang trademark sa Bataan sa bayan ng Pilar.




    Ang Flaming sword na ito ang siyang sumisimbolo sa katatagan at katapangan sa kabila ng mga pagsubok upang makamit ang hinahangad na demokrasya at kapayapaan ng ating bansa. Perfect ang landmark na ito sa mga mahihilig sa history na pwede nilang i-feature at i-share sa ating mga kababayan. Ika nga nakapamasyal kana natuto kapa. 





Travel Information: 
FLAMING SWORD is located at the crossing of Pilar in front of Pilar Municipal Hall near in Pablo Roman National High School. It is 126 km away from Manila. You can ride tricycle or jeep from Balanga to reach it. 



Google Map of Flaming Sword 
for the following questions, just click here: http://www.bataantourism.com/landmarks.php?id=11


Sawa kana ba magtampisaw sa mga beach? Bakit hindi mo subukang alamin ang historical landmark na ito? Have fun! ^^





PAWIKAN CONSERVATION CENTER


         Ang Pawikan Conservation Center ay matatagpuan sa Morong,Bataan. Tampok dito ang mahigit 7 species of marine turtles na matatagpuan sa karagatan sa iba't-ibang parte ng mundo. Ito ay naglalayong sagipin at protektahan ang mga pawikan na natatagpuan sa mga baybayin ng Bataan partikular sa bayan ng Bagac at Morong. 




COURTESY: http://www.ivanlakwatsero.com

Isa sa mga pinaka exciting na activities rito ay ang pagpapakawala ng mga baby turtles sa kalapit na dagat. Ang isang baby turtle ay nagkakahalaga ng Php 50.00 at ang nakukuhang pondo na ito ay inilalaan at napupunta sa Bantay Pawikan Inc. na makakatulong sa pagpoprotekta sa mga pawikan. 



PAWIKAN FESTIVAL 
COURTESY: Abigail Javellana
    Taon-taon rin na nagaganap ang Pawikan Festival at sa Pawikan Conservation Center sa Morong,Bataan. Dinadaluhan ito ng libo-libong bisita at karamiha'y mga estudyante mula sa iba't-ibang probinsiya. Sa nalalapit ng November 25, 2017 ay muling gaganapin ang Pawikan Festival. Wag na magpahuli at magdalawang isip pa na pumunta sapagkat marami kang pwedeng maexperience sa lugar na ito. Nandiyan ang nakamamanghang street dancing,sand sculpture,matikman ang kanilang mga ipinagmamalaking produkto,at ang pinaka masayang masusubukan mo ay ang pagpapakawala ng mga naturang baby turtles pabalik sa tunay nilang tirahan.

STREET DANCING PERFORMANCE 
COURTESY: Abigail Javellana

SAND SCULPTURE COMPETITION
COURTESY: Abigail Javellana

THEIR SIGNATURE PRODUCTS: BAGOONG
COURTESY: Abigail Javellana

THE RELEASING OF BABY PAWIKAN
COURTESY: Abigail Javellana



Google Map of Pawikan Conservation Center in Morong,Bataan


Isang malaking karangalan na isa ang Bataan sa mga pinagkalooban ng ating Poong Maykapal. Hindi sa atin pinagkait ang magkaroon ng magagandang tanawin at pasyalan bagkus tayo'y pinagpala! BE PROUD! BE THANKFUL! 


"ONE BATAAN!"


Sunday, November 19, 2017

LAKBAY SANAYSAY NI SHEPANG LAKWATSERA


 UPSIDE DOWN MUSEUM 

                   

              Naganap ito noong January 21 nang magkaroon ng educational tour ang aming school. Maraming masasaya at magaganda akong naranasan sa lugar na ito kasama ng aking mga kaibigan at mga kaklase. Nang sabihin sa amin ng aming guro na may magaganap na field trip sa aming paaralan, agad-agad kaming nag-ipon dahil sa huling pagkakataon gusto naming na makasama muli at mag enjoy. Masaya kami na majority sa klase ay makakasama. Sa larawan na inyong makikita ay isa lamang sa mga napuntahan namin at masasabi kong sulit, ang Upside Down Museum.




Giant Sneakered Foot




        Napapanood ko lamang dati ang lugar na ito sa telebisyon kaya naman hindi ko pa rin maitatago ang excitement at tuwa nang malaman kong isa ito sa aming mapupuntahan. Unang beses palang ako nakapunta sa lugar na ito kaya naman gusto kong muling bumalik. Pagpasok palang namin sa entrance ay bubungad na agad ang napakaraming tao na tulad namin ay bakas rin sa kanila ang saya. Maraming pwedeng mapuntahan at mapagtambayan. Isang ngiti at pose mo lang ay makakabuo kana agad ng nakakatuwang litrato kasama syempre ng iyong mga kaibigan. Hindi na namin kailangan ng maraming pera para bumili ng souvenir dahil tanging memory card, malinaw na camera, at malikot na imahinasyon lang ay sapat na para magkaroon ng isang memorable at wonderful na souvenirs. Gusto ko muling bumalik rito dahil maraming nakatutuwang stations at places na makikita, may 3D artworks, oversized things, at yung pakiramdam na parang bumabaliktad ang mundo. Sobra akong namangha sa mga nakadisplay roon, na kapag kinuhanan mo ng litrato ay siguradong maeexcite ka sa kalalabasan.

         

                                                                                




    Mababait rin ang mga nagtatrabaho rito dahil sila na mismo ang nag piprisinta na kuhanan kami ng litrato kaya lahat kami ay nakasama at walang naiwan sa picture. Dito ko naranasan ang feeling na makakita at makaranas ng snow, kahit na man made  lang iyon ay ayos lang. Hindi sapat ang ilang oras na pananatili namin roon at parang ayaw pa naming umalis. Kung magkakaroon man muli ng pagkakataon na makapunta  kami sa Upside Down Museum sisiguraduhin kong magdadala na ako ng sarili kong camera.



                
                                                                  LAKBAY SANAYSAY: Lanes of Shepa's Travel Blog



  "May nakita kaming hugis diamond, pag pasok namin, ang asim sa loob kaya picture kami agad bago lumabas. Charot!" 



"Madami kasing kamerang nakatutok nung time nayan, 'di ko alam kung saan ako titingin. Kaya nag electric fan nalang akes." 



"Di ko alam kung anong pwesto gagawin ko dito, akala mo mga dilis na binilad. Hanapin niyo ko!"



"Okay, di lang kita yung legs, pero palda talaga yung hinahawakan nila diyan eh, nag PH care kasi si ateng." 



"Basta pose nalang kayo!"

MALAMAN SA BATAAN!